ANG DATING DAAN
(Jeremias 6:16)
Ganito ang sabi ng Panginoon:
Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo
At ipagtanong ninyo ang mga dating landas kung saan nandoon
Ang mabuting daan at magsilakad kayo roon
At kayo’y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa
Tayo na balana bumangon mula sa pagkakadapa
Atin ngang hanapin na landasing sa mga tao’y laan Niya
Refrain: Tumayo, tumingin sa mga daan
Ipagtanong landas ng nakaraan
Sama-sama natin itong lakaran
Kapahingaha’y ating masusumpungan
Chorus: Sama-sama tayong lumakad (sa dating daan)
Ipagtanong landas na s’yang na dapat (ang dating daan)
Landas ng katwiran, walang kamalian
Tayo’y magpumilit na ito’y masumpungan
Kung ika’y nagtataka kasagutan sa iba’y di mo makita
Pagkat isang landas lamang, kinaroroonan ng mga katugunan
Repeat Refrain & Chorus
Kaya kapatid huwag ng magpatumpiktumpik
Dating landas hanapin nating mapilit
DIOS AMA’t ANAK ating paglingkuran
Pangakong buhay na walang hanggan, ay makakamtan
Kababayan huwag mangamba
Iglesiang tunay di mahirap makita
Tandang bigay ng DIOS AMA
Dalisay na aral hawak ng mga Sugo Niya
(Sama-sama, Sama-sama tayo) Sa Dating Daan
(Sama-sama, Sama-sama tayo) Sa Dating Daan
(Sama-sama, Sama-sama tayo) Sa Dating Daan
Sama-sama, sama sa Ang Dating Daan
Tunay












